P325-B NAIPADALA NG PINOY SEAMEN SA PINAS NOONG 2018

seaman22

(NI BERNARD TAGUINOD)

PATOK ang taong 2018 para sa mga Pinoy seamen matapos makapagpadala ang mga ito ng $6.14 Billion o katumbas ng mahigit P325 Billion sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas.

Mas mataas ito ng 4.6% o katumbas ng $279 milyon na naipadala ng mga seaman noong 2017 dahil umaabot lamang ito sa $5.78 bilyon o P311 bilyon sa palitang P53 kada isang US dollar.

Ayon kay ACT OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz III, ang nasabing halaga ay mga idinaan lamang sa mga bangko at hindi pa kasama dito ang mga ipinadala sa mga non-bank channels as mga cash na ipinakisuyo ng mga seaman sa kanilang mga katrabaho na umuwi ng Pilipinas, kaya inaasahn na mas malaki ito sa nabanggit na halaga.

“We see the demand for Filipino sailors rising steadily in tandem with international merchant ship traffic, as economies around the world continue to expand,” pahayag ni Bertiz.

Nabatid na pinakamalaking cash transfer ng mga Pinoy seamen ay mula sa United States (USA) na umaabot  $2.31 bilyon; Singapore, $563.85 milyon; Germany, $560.98 milyon; Japan, $435.82 milyon;  United Kingdom, $331.23 milyon; Hong Kong, $275.53 milyon; The Netherlands, $259.12 milyon; Greece, $174.98 milyon; Panama, $163.62 milyon; Cyprus, $125.19 milyon; at Norway, $115.98 milyon.

Inaasahan na gaganda pa ang sektor ng mga seaman ngayong taon dahil sa pagtataya ng  International Monetary Fund (IMF) na lalago pa ang ekonomiya ng mundo ngayong 2019 na aabot umano sa 3.5% at 3.6% sa 2020.

“Filipino sailors serve on bulk carriers, container ships, oil, gas, chemical and other product tankers, general cargo ships, pure car carriers and tugboats around the world,” ani Bertiz kaya inaasahan na makikinabang ang mga ito sa paglago ng ekonomiya ng mundo.

Marami din aniya mga Filipino ay nagtatrabaho housekeepers, guest relations, culinary, front office at iba pang  maintenance services sa mga cruise ships at floating casinos.

Dahil dito umapela si Bertiz sa gobyerno na mamuhunan para magkaroon ng libreng maritime education sa mga state colleges and universities (SUC) sa bansa habang indemand ang mga Pinoy seaman sa nasabing industriya ng mundo.

 

145

Related posts

Leave a Comment