P4.7-M GAGASTUSIN SA SONA 

congress

(NI BERNARD TAGUINOD)

GAGASTOS ang taumbayan ng P4.7 million para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Ito ang kinumirpa ni House Secretary General Roberto Maling sa press briefing nitong Huwebes  ukol sa ginagawang preparasyon sa ikaapat na SONA ni Duterte.

“Yung latest figure naming is P4.7 something million,” ani Maling nang tanungin kung magkano ang gagastusin sa SONA subalit mas maliit umano ito P4.9 million na ginastos noong 2018.

Gagamitin umano ang nasabing halaga sa supplies and materials at mga iba pang aktibidad kasama na ang pagkain ng mga bisita na hindi baba sa 1,500 katao na kinabibilangan ng mga dating pangulo, mga dating secretaries, incumbent secretaries, diplomatic corps, bisita ng mga kongresista at mga senador at iba pa.

WALA PANG BANTA SA SONA

Kasabay nito, sinabi naman ni House Sgt-at-Arms ret. MGen Romeo Prestoza na wala pang natatangap na banta sa seguridad sa SONA ni Duterte.

“When it comes to security threat, wala pa naming substantial, meaning talagang wala pang nakarating na aktuwal na threat,’” ani Prestoza sa nasabing ding press briefing.

Gayunpaman, patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanila umanong tanggapan sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

“If ever (na mayroong threat) naka-prepare naman kami,” ani Prestoza kaya nagsasagawa na ang mga ito ng training, seminars at iba pang uri ng paghahanda “Para incase na meron nga (banta) naka-prepare (kami)”.

Tinutukan din umano ngayon ang usapin ukol sa umano’y suicide bombing sa Mindanao bilang bahagi ng intelligence gathering para matiyak ang seguridad, hindi lamang ng Pangulo kundi ang lahat ng mga tao na dadalo sa SONA.

“But as of this time, wala naman kaming nakikita (na banta),” ayon pa kay Prestoza.

 

97

Related posts

Leave a Comment