P72-M PARKING NG PAF KUMPLETO NA

NAKUMPLETO na ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang Php 72-million parking structure na bahagi ng mga ginagawang improvement ng Philippine Air Force (PAF) sa mga pasilidad sa loob ng Villamor Air Base, Pasay City, na nakapaloob sa government firm’s replication program para sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang proyekto ay isang three level modern parking facility na may lawak na 4,311 square meters gross floor area na kayang ma-accommodate ang 106 regular parking slots at five slot para sa persons with disabilities (PWDs).

Para magawa ang nasabing proyekto ay kinailangan pang alisin at ilipat ng BCDA ang oil circuit breaker, high-tension wire at electrical system.

Pinasalamatan naman ni LtGen Connor Anthony D. Canlas Sr., commanding general ng PAF ang BCDA sa pagkakaloob ng pondo at konstruksyon ng parking facility. Sinabi pa ng heneral na nagbigay daan ito para mapabilis ang mga development sa air base facilities para sa Hukbong Panghimpapawid na nagdiwang ng kanilang 75th anniversary kamakailan. (JESSE KABEL)

55

Related posts

Leave a Comment