P850,000 HALAGA NG SEAG GOLD IBIBIGAY NI PDU30

(NI LOUIS AQUINO)

TIYAK na masaya ang Pasko ng lahat ng Filipino medalists sa 30th Southeast Asian Games.

Ito’y matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay siya ng karagdagang cash incentives sa lahat ng miyembro ng Team Philippines na nanalo ng medalya sa naturang kada dalawang taong regional meet.

Ayon kay Duterte, magbibigay siya ng extra P250,000 sa lahat ng nanalo ng gold, P150,000 para sa silver, at P100,000 para sa bronze medallists.

Magaganap ang ‘awarding of incentives’ sa Disyembre 18, bilang pasasalamat na rin ng Pangulo sa mga atletang Pinoy na tumulong parang maging overall champion muli ang bansa sa SEAG.

Huling nakuha ng Pilipinas ang pangkalahatang kampeonato noong i-host nito ang 2005 edition ng biennial meet.

Ang financial reward mula sa Pangulo ay bukod pa sa cash incentives sa ilalim ng Republic Act 10699 o mas kilala bilang National Athletes and Coaches Benefit and Incentives Act.

Sa Ilalim ng batas, ang mga nakakuha ng  gold medal sa SEAG ay makatatanggap ng P300,000,  P150,000 sa silver, habang P60,000 sa bronze winners.

Maliban sa mga nabanggit, nangako rin si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na tatapan niya ang P300,000 financial reward na ibibigay ng gobyerno sa gold winners at lahat ng nakapagambag ng medalya sa kampanya ng bansa upang maging overall champ muli ng SEA Games.

182

Related posts

Leave a Comment