P89.9-B SOBRANG PONDO NG PHILHEALTH NOONG 2021 BUKING

(BERNARD TAGUINOD)

UMAABOT sa P89.9 billion subsidy ang hindi nagamit ng PhilHealth kahit maraming nangangailangan ng tulong sa pagpapagamot at pambayad sa mga hospital.

Kabilang na rito ang P38.8 bilyon na hindi nagamit noong 2023, P24 bilyon noong 2022 at P27.1 billion noong 2021 na natuklasan sa imbestigasyon ng sub-committee ng House committee Appropriations.

Mula aniya noong umupo si Marcos, umaabot na sa P162 billion ang ibinigay na subsidy sa Philhealth subalit P38.8 billion ang hindi nagastos noong 2023 at posibleng madagdagan pa ito dahil wala pang report kung magkano ang excess fund ng state insurance ngayong taon.

Makatatanggap pa rin ng subsidy sa susunod na taon ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) para tulungan ang mga non-members subalit babawiin ito kapag hindi magamit.

Ito ang tiniyak ni House ways and means committee chairman Rep. Joey Salceda kasabay ng pagdepensa sa desisyon ng Department of Finance (DOF) na bawiin ang hindi nagamit na pondo para gamitin sa proyektong pakikinabangan ng taumbayan.

“Philhealth regularly receives a subsidy from the National Government on top of the premiums it collects from its members. In other words, that’s taxpayer money, not contributor money. I think the reasoning of the DOF is that, if taxpayer money is sleeping in Philhealth, it’s better to use that money for other needs rather than borrow with interest. It saves the taxpayer money. It’s that simple,” ani Salceda.

Dahil dito, marami umano ang nagmungkahing huwag nang bigyan ng subsidy ang PhilHealth bagay na kinontra ni Salceda sa pagsasabing “I prefer our current approach of giving it a sizable subsidy at the start of the year, and then withdrawing the money later during the year if it proves to be too much.”

Gayunpaman, dismayado ang mambabatas dahil pinatutulog ng PhilHealth ang pondo gayong maraming pangangailangan ang kanilang mga miyembro kasama na ang mga non-members kapag nagkakasakit ang mga ito.

30

Related posts

Leave a Comment