P90-M SHABU NASABAT SA BOC-NAIA INILIPAT NA SA PDEA

shabu13

(NI DAHLIA SACAPANO/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

NAILIPAT na sa Philippine Drug Enforcement Agency ang 13.1 kilo ng shabu mula sa isang shipment na idineklarang tambutso ang laman.

Noong Enero, mula sa mahigpit na pagbabantay ng mga Customs examiner sa Port of NAIA, kasama rin ang kinatawan ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF), BOC-Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at BOC-Xray Inspection Project, PDEA , NAIA IADITG, nasabat ang 13.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P90 milyon mula sa isang shipment galing West Covina, California, USA.

Sa kanilang pag-e-examine sa kargamento, nakita ang 26 packages ng shabu na nakatago sa tatlong  tambutso (mufflers).

Base sa kanilang record, ang nasabing padala ay nagkakahalaga lamang ng $500.00 ayon sa deklarasyon ng may-ari.

Inihahanda na ngayon ng PDEA ang mga maaring ikaso sa consignee at sa mga kasama nito.

Ang pagkakasabat sa kargamento ay patunay lamang na ginagawa ng BOC nang maigi ang kanilang trabaho na bantayan ang mga border ng bansa laban sa pagpasok ng mga kontrabando at illegal drugs.

Sinisiguro ng Customs NAIA ang publiko na ang kanilang mga opisyal at miyembro ay maagap, magisagig at handang protektahan ang mga border ng bansa.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 30 drug bust operation ang nasa kanilang record mula sa nagdaang 10 buwan. Tinatayang nasa mahigit 363, 774, 292.76 na ang street value ng mga drogang kanilang nakumpiska.

178

Related posts

Leave a Comment