PAARALANG MAHINA ANG KALIDAD NG EDUKASYON PINABUBUWAG

deped

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

KUNG si Senador Cynthia Villar ang tatanungin, mas nanaisin nitong buwagin ng Department of Education (DepEd) ang mga ‘underperforming’ na paaralan at bigyan naman ng reward ang mga eskwelahan na mataas ang kalidad ng edukasyon.

“‘Yung magagaling na estudyante, ang school nila dapat may mga national exams tapos na-me-measure mo, and then yung magagaling na estudyante, bigyan natin ng reward,” saad ni Villar.

“‘Yung mga maliliit (na schools) baka idisband natin yun,” dagdag pa ng senador.

Ang pahayag ni Villar ay kasunod ng report na nangungulelat ang Pilipinas sa Mathematics, English at Science.

“Okay lang na hindi naman natin ine-expect that we are the best but hindi naman kulelat. 2nd to the last, magaling lang tayo sa Dominican Republic, medyo nakakahiya naman ‘yun,” giit pa ni Villar.

Iginiit ni Villar na kung bibigyan ng insentibo ang mga magagaling na paaralan ay tiyak na macha-challenge ang mga ito na pag-igihin pa ang kanilang serbisyo.

“Bigyan ng incentive [yung magagaling na schools] at bigyan ng disincentive yung mahihina para namang magkaroon ng wish to excel or challenged to be better,” dagdag ng senador.

Samantala, iginiit naman ni Senador Joel Villanueva na nangangailangan ang mga estudyante ng tamang nutrisyon at magandang learning environment.

“While this is a great concern in our basic education system, it will certainly have an effect on the ability of our students to cope with higher [education] environment and complete higher education,” saad ni Villanueva.

Ito anya ang layunin ng kanyang Senate Bill 858 upang mapalakas ang barangay daycare system.

“This is to give them proper care while their parents go to work. This will ensure proper nutrition and development support,” diin ni Villanueva.

 

277

Related posts

Leave a Comment