TANGKANG PANANABOTAHE SA SEAG IIMBESTIGAHAN

(NI BERNARD TAGUINOD)

BUKAS ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbestigahan ang tangkang pananabotahe sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) na  kasalukuyang iniho-host ng Pilipinas.

Ito ang nabatid kay House committee on information and Communications Technology Committee chair Victor Yap, ng Tarlac, sa panayam ng mga mamamahayag  dahil sa hinala ni House Speaker at PHIGSOG chair Alan Peter Cayetano  na may sumasabotahe sa SEAG dahil sa mga pekeng impormasyon na naglabasan bago ang opening ceremony.

“I’m open to it (na mag-imbestiga),” ani Yap na inaasahang sa kanyang komite babagsak ang imbestigasyon dahil idinaan sa social media ang tangkang pagsabotahe sa SEAG.

Sa ngayon ay wala pang naihahaing resolusyon subalit ilang mambabatas na ang nagtutulak na imbestigahan ito tulad nina Kabayan party-list Rep. Ron Salo at Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.

Nais ni Defensor na kasuhan ng libel ang mga nasa likod ng mga paninira sa PHISGOC na siyang organizer sa SEAG.

“Will wait of that’s what the Rules (Committee) would want,” ayon pa kay Yap.

Magugunita na sinabi ni Cayetano na may apat hanggang limang grupo ang nagpakalat umano ng mga fake news sa paghohost ng Pilipina sa SEAG.

“We’re digging deeper. May digital footprint eh. So kitang-kita na sila nagkalat at nag-imbento,” pahayag noon ni Cayetano.

118

Related posts

Leave a Comment