PACQUIAO ‘DI PA MAGRERETIRO–SOLONS

pac600

(NI BERNARD TAGUINOD)

WALANG nakikitang senyales ang mga dating kasamahan ni Pambansang Kamao at Sen. Manny Pacquiao sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magreretiro na ito sa boksing.

Ayon kina PBA party-list Rep. Jericho Nograles at Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, sa kabila ng kanyang edad na 40 anyos, hindi pa rin kumukupas ang performance ni Pacquiao sa boksing.

“Forty (40)  is the new 20! Ang Pambansang Kamao, Sen. Manny Pacquiao proved today that age is just a number! Against a 29 year old, Pacman made the Philippines proud and we thank him for that. Si Sen. Manny ang ating Bayaning Atleta,” ani Nograles.

Tinalo ni Pacquia sa pamamagitan ng unanimous decision ang 29 anyos na si Adrien Broner at napanatili nito ang kanyang WBA welterweight title, sa Las Vegas kahapon kung saan pinulbos ng Pambansang Kamao ang Amerikanong boksingero.

“This is a true Pacman brand of boxing. Despite his age, he has shown so much speed, power and skill to defeat a much younger and much hungrier foe. Obviously, he still has so much to give in the world of boxing,” ani Sarmiento.

Naniniwala ang mambabatas na malabong isabit na ni Pacquiao ang kanyang glove sa lalong madaling panahon dahil sa kanyang huling performances at inaabangan umano ng mga Filipino ang kanyang susunod na laban lalo na kay Floyd Mayweathe Jr.

157

Related posts

Leave a Comment