(NI NOEL ABUEL)
“Si Mayweather naman”.
Ito ang sigaw ni Senate Majority Leader Migz Zubiri kasunod ng pagkapanalo ni Senador Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Adrien Broner kung saan kailangan nang humarap ni Floyd Mayweather para sa rematch sa Pambansang Kamao.
Kasabay ito ng kanyang papuri sa lakas ng kamao ni Pacquiao.
“Manny Pacquiao once again shows the World his superhuman Strength and his Super Human Heart of true Champion. He is a Champion of the ages, winning Championships throughout his two and a half decades of boxing and defying father time,” sabi ni Zubiri.
Sa edad umano ni Pacman na 40, ipinakita rin nito na walang imposible sa pagsisikap, dedikasyon at pananampalataya sa Diyos.
Ganito rin ang pahayag ni Senador Win Gatchalian na nagsabing si Pacquiao ay inspirasyon ng lahat ng Pinoy.
“Siya ang patunay na walang imposible if you put your heart and mind to it. May Manny continue to serve as an inspiration to all Filipinos here and around the world,” ayon pa kay Gatchalian.
Para naman kay Senador Joel Villanueva, malaking bagay ang laban ni Pacman sa pgkakaisa ng mga Filipino.
“Once again, he brought our country together, and we can all be proud of his latest accomplishment in his stellar boxing career,” diin ni Villanueva.
Pinasalamatan naman ni Senador Sonny Angara si Pacman sa pagbibigay ng kasiyahan at karangalan sa Pilipinas.
“Thank you for bringing never ending joy and pride to your kababayans all over the world. Once again, you have proven that you are indeed one of the greatest boxers of all time,” pahayag ni Angara.
Iginiit naman ni Senador Nancy Binay na muling pinatunayan ni Pacman na isa itong bayani sa puso ng sambayanan.
“Muli, sa panibagong laban na ito, ipinakita sa atin ni Sen. Manny Pacquiao kung bakit nananatili siyang bayani sa puso ng mga kababayan natin,” diin ni Binay.
His prowess inside the ring is matched only by his humility, magnanimity, genuine love for the people,” papuri nito kay Pacman.
200