PAG-ANGKAT NG MANOK TIGIL MUNA

HINDI muna papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga manok at poultry products mula sa Czech Republic matapos na magpositibo sa avian influenza.

Sa ipinalabas na memorandum ng Department of Agriculture, ipinatitiyak na hindi makalulusot ang importasyon ng manok mula sa nasabing Central European country.

Una nang kinumpirma ng State Veterinary ng Czech Republic sa World Organization for Animal Health na may outbreak na ng H5N8 bird flu sa kanilang bansa.

Tinukoy ni Agriculture Secretary William Dar ang mga sakop ng ban ay ang poultry meat, avian semen, day-old chicks, wild at domestic chicks mula sa Czech Republic.

Sinuspinde rin ng DA ang pagproseso sa Sanitary at Phytosanitary import clearances ng poultry products mula sa nabanggit na bansa. JG TUMBADO

200

Related posts

Leave a Comment