(NI DAHLIA S. ANINA)
HINIKAYAT ng Pagasa ang publiko na manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay lalo na kung patanghaling -tapat hanggang hapon dahil ito ang pinakamainit na oras na mararanasan ngayong simula na ang tag-init.
Magiging sobrang init umano ng panahon mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon dahil ito ang oras na walang mag-aabsorb ng init galing sa araw, kaya kung kayang manatili na lang sa bahay ay huwag na munang lumabas pero kung sakaling may importanteng lakad ay mabuting magdala ng panangga sa init, ayon kay Weather Forecaster Raymond Ordinario.
Pinayuhan din ni Ordinario ang publiko na manatiling hydrated sa lahat ng oras upang hindi magkasakit tulad ng heat stroke, dahil daw pag sobrang init ay maalinsangan ang ating pakiramdam na nagreresulta ng pagkahilo at heat stroke, kaya dapat ay laging may baon na tubig.
302