DAAN-DAANG RIDERS NAG-RALLY VS MALAKING PLAKA

RIDERS12

(NI LILY REYES/PHOTO BY NORMAN ARCIAGA)

BINIGYANG-DIIN ng  Land Transportation Office (LTO) na kokonsultahin nila ang mga motorista sa pagbalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) ng bagong aprubang batas na Motorcycle Crime Prevention Act.

Ayon kay   LTO chief ASec. Edgar Galvante, kukumbidahin nila  ang mga riders, government agencies, at manufacturers sa pagbuo ng IRR ng naturang bagong batas.

Matatandaan na  ilang riders ang bumatikos  sa batas dahil sa probisyon na nag-oobliga sa kanila na magkaroon ng mas malaki at color-coded na plaka na dapat na  nakalagay sa harapang bahagi ng gamit na motor.

Sinabi ni  Galvante,  na  ikokonsidera nila sa pagbalangkas ng IRR ang mga hinaing ng mga riders.

Samantala, sa gitna ng mga pagtutol, ay nagpaalala si  Galvante na hangad lamang ng bagong batas na ito na mabawasan ang bilang ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga motor at hindi para magkaroon ng diskriminasyon.

432

Related posts

Leave a Comment