PAGBUBUKAS NG PCSO GAMING OPERATION DEPENDE KAY DU30

duterte-30

(NI BETH JULIAN)

HINDI pa batid ng Malacanang kung pansamantala lamang o permanente nang ipasasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gaming operations ng PCSO.

Sa ilalim ng PCSO, ang mga larong pinamamahalaan nito ay ang Lotto, STL, peryahan ng bayan at Keno.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na wala pa silang maibibigay na direktang tugon sa mga tanong kung magpapatuloy pa ang operasyon ng mga nasabing sugal o tuluyan nang tapusin.

Ayon kay Panelo, sa ngayon ay pinag aaralan pa ni Pangulong Duterte ang sitwasyon sa PCSO.

Nais ng Pangulo na tapusin muna ang imbestigasyon upang makita kung sinu-sino ang mga nasa likod ng malaking kutsabahan sa pangungurakot ng pera ng ahensya.

Maliban dito, sinabi ni Panelo na dismayado ang Pangulo na masyado nang gumon sa sugal ang mga Filipino at tila rito na lamang umaasa para sa pag-angat ng kanilang pamumuhay.

 

125

Related posts

Leave a Comment