PAGBUSISI SA PDEA LEAKS VS BBM TULOY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MAGPAPATULOY ang imbestigasyon ng Senado sa tinaguriang PDEA leaks na nag-uugnay kay Pangulong Bongbong Marcos sa ilegal na droga.

Ito ay matapos tiyakin ni Senate President Chiz Escudero na hindi niya ipatitigil ang imbestigasyon ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Senator Ronald Bato dela Rosa.

Ayon kay Escudero, wala siyang intensyong pigilan o harangin ang imbestigasyon ni Dela Rosa sa PDEA leaks at ang pasya kung tatapusin na ito ay nasa chairman na ng komite.

“Sinabihan ko siya na opsyon niya palagi habang recess na maghain na ng resolution at sa una o pangalawang araw lamang ng pag-resume namin, ire-refer namin sa komite niya para ‘di na makuwestyon ninuman ang pagdinig niya at mabigyan linaw nang konti ang pagdinig niya,” ayon kay Escudero sa isang panayam sa radyo.

Una nang sinabi ni Escudero na hindi ang imbestigasyon sa PDEA Leaks ang rason ng pagkakatanggal kay dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa pwesto tulad ng mga kumalat na espekulasyon.

Aniya pa, kung PDEA leaks ang dahilan ay hindi na dapat humaba pa at si Dela Rosa na lamang ang tinanggalan ng chairmanship sa komite na nag-iimbestiga sa isyu.

54

Related posts

Leave a Comment