10 PAMILYA NASUNUGAN SA MALATE, 2 SUGATAN

UMABOT sa 10 pamilya ang nawalan ng tirahan nang lamunin ng apoy ang ilang kabahayan at isang chapel sa Leon Guinto Street, Malate, Manila nitong Lunes ng madaling araw.

Base sa ulat ni Fire Sr. Supt. Christine Cula ng District Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP), pawang gawa sa light materials ang mga bahay na nilamon ng apoy sa Barangay 692 sa panulukan ng P. Quirino Avenue at Leon Guinto Street sa Malate, Manila.

Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa gitna ng nasabing residential area.

Nabatid na dalawa ang naitalang nasugatan sa insidente kabilang ang isang fire volunteer at isang bumbero na agad nilapatan ng paunang lunas.

Nagsimula ang sunog dakong alas-12:21 ng madaling araw at idineklarang fire-out dakong alas-3:30 ng madaling araw, at itinaas sa ikatlong alarma.

Tinatayang umabot sa P500,000 ang structural damage sa insidente. (RENE CRISOSTOMO)

145

Related posts

Leave a Comment