PAGKILALA SA FRONTLINERS, ESSENTIAL WORKERS INIHAIN SA KAMARA

INIHAIN ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo ang resolusyong kumikilala sa ambag ng mga frontliner at essential workers sa gitna ng paglaban sa COVID-19 pandemic.

Ani Salo, “Despite the clear and present danger to their own health and safety, these frontliners and essential workers valiantly performed their duties and rose above and beyond the call of duty so as to ensure that our people are cared for.”

Kabilang sa mga essential worker at frontliners ang mga doktor, nurses, medical staff, barangay health workers, barangay tanod, pulis at sundalo.

Ang mga supply chain worker, grocery store personnel, food delivery personnel, pati garbage collectors, ay kabilang din sa kinikilala sa resolusyon.

Ang National Health Workers’ Day tuwing May 7 ay itinatadhana ng Republic Act 10069 na isinabatas noong Abril 2010, panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. CESAR BARQUILLA

263

Related posts

Leave a Comment