PAGKONTRA NI PDUTERTE SA MANILA BAY RECLAMATION, IKINATUWA SA SENADO

NAGPAHAYAG ng katuwaan si Senador Cynthia Villar sa pagkontra ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lobbyist na gustong magsagawa ng reclamation sa Manila Bay dahil pabor ito sa pro-environment sa new normal.

Sa pahayag, sinabi ni Villar na ipinakikita lamang ni PDuterte ang kanyang commitment na ayusin at pangalagaan ang Manila Bay sa kanyang paulit-ulit na pahayag laban sa reklamasyon nito.

Iginiit ni Villar, chairperson ng Committee on Environment and Natural Resources, sa kanyang mga public address briefing sa kalagayan ng bansa sa ilalim ng quarantine, tiniyak ng Pangulo na hindi niya papayagan ang reklamasyon ng Manila Bay sa kabila na kailangang pondohan ang COVID-19 pandemic response.

Binanggit din ni Duterte na pinayuhan niya ang mga pribadong indibiduwal na nagla-lobby sa mga reclamation project na maghintay na lamang sa susunod na pangulo.

“Going into the new normal, there are a lot of things that will have to cease to exist but I am glad the policies that will help us achieve our goals for thepreservation of our biodiversity, especially the protection and the rehabilitation of Manila Bay will continue,” ayon kay Villar.

Noong January 27, 2019, inilunsad ang “Battle for Manila Bay” para ipatupad ang Supreme Court continuing mandamus na ipinalabas noong December 2008.

Inaatasan nito ang 13 agencies at private entities na linisin, ayusin at panatilihin ang tubig ng Manila Bay sa lebel na maaaring maglangoy, scuba-diving, at magsagawa ng iba pang uri ng contact-recreation.

Bass rin sa continuing mandamus, nilagdaan ni Duterte ang Administrative Order No. 16 na bumuo sa Manila Bay Task Force noong February 19, 2019.

Bago pa siya nahalal bilang senador, pinangungunahan na ni Villar ang pagtutol sa Manila Bay reclamation.

Noong 2012, kasama ang 315,000 residente ng Las Pinas, Parañaque at Cavite, naghain siya ng petisyon para sa Writ of Kalikasan upang harangin ang reclamation ng Las Pinas-Parañaque Wetland Park, Ramsar-listed Wetland of International Importance.

Nagbabala si Villar na ang reklamasyon ng Manila Bay ay lalo pang magpapalala sa pagbaha sa mga karatig-lugar. Sisirain nito ang pinagkukunan ng suplay ng isda sa NCR at iba pang bahagi ng Cavite at Central Luzon. Maaapektuhan din nito ang kabuhayan ng mahigit 300,000 mangingisda.

Inaasahan din ni Villar na ang 175-hectare critical habitat ay magiging pangunahing ‘learning environment’ sa urban wetlands sa Pilipinas at modelo ng sustainable eco-tourism. ESTONG REYES

157

Related posts

Leave a Comment