PAGLABAG SA HERALDIC CODE IPINAUUBAYA SA PROTOCOL OFFICER

(Ni LILIBETH JULIAN)

Dumistansya ang Malacanang sa isyu ng umano’y paglabag sa Heraldic Code ng Pilipinas sa flag positioning nitong nagdaang two-day state visit ni Chinese President Xi Jinping sa bansa.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, na ang protocol officer ang bahalang magpaliwanag nito.

Sinabi ni Panelo na nakipag ugnayan na sya kay Ginoong Robert Borge, na syang tumatayong protocol officer ng Malacanang, kung saan sinabi nitong maglalabas na lamang sila ng pahayag hinggil dito.

Nabatid na pinuna ng netizens ang hindi tamang posisyon sa bandila ng Pilipinas sa ilang events na dinaluhan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Sinasabing dapat ay nasa kaliwa ang bandila ng Pilipinas noong bilateral meeting ng dalawang lider at nasa kanan ang visiting country.

Sa trooping the line sa welcome ceremony kay President Xi Jinping naobserbahan na tanging ang bandila ng China lamang ang nakasunod sa likod ng dalawang lider at hindi kasama ang bandila ng Pilipinas.

Ang isyu sa umanoy paglabag sa Heraldic Code ay ipinagkibit balikat lamang ng Department of Foreign Affairs (DFA).

5

Related posts

Leave a Comment