HUDCC SEC GEN SINIBAK

(Ni LILIBETH JULIAN)

Bunsod ng mga tinatanggap na reklamo ukol sa katiwalian, sinibak na sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary-General Falconi Millar.

Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pagsibak na “effective immediately”.

“There are no sacred cows in the Administration, lalo na sa kampanya kontra corruption. As the President said, he will not tolerate even a whiff of corruption in the Executive Branch of Government”, ayon kay Panelo.

Sa nasabing pagsibak, siniguro ng Malacanang na hindi ito makaaapekto sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

“We assure the public that the delivery of public services shall unimpedely continue, especially in rehabilitating Marawi City and other affected areas,” giit ni Panelo.

Gayunman, sa ngayon ay wala pang inihahayag na pangalan ang Malacanang kung sino ang papalit sa sinibak na opisyal ng HUDCC.

7

Related posts

Leave a Comment