PAGLUSAW SA PCGG, OGCC HINARANG

senate

(NI NOEL ABUEL)

NIRATIPIKAN na ng Senado ang bicameral conference committee report sa panukalang bigyan ng mas malaking trabaho ang Office of the Solicitor General (OSG) kasabay ng pagbasura sa panukalang lusawin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Sinabi ni Senador Richard Gordon, may-akda ng panukala, hindi inaprubahan ng mga senador ang panukala ng mga mambabatas na lusawin ang PCGG sa kadahilanang bigo umano ito na magampanan ang kanilang trabaho.

Magugunitang ang PCGG ang nangunguna sa paghabol sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos subalit hindi kumbinsido ang ilang mambabatas kung kaya’t hiniling ng mga ito na lusawin ang PCGG at OGCC at ilipat ang trabaho ng mga ito sa OSG.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ang bagong OSG law, maaaring ma-appoint ang Solicitor General kahit 65-anyos na ito.

“The Solicitor General “shall have a Cabinet rank and the same qualifications for appointment, rank, category, prerogatives, salary grade and salaries, allowances, emoluments, privileges, retirement and all other benefits as the Presiding Justice of the Court of Appeals,” ayon sa panukala.

177

Related posts

Leave a Comment