YEMENI COUPLE NA SUICIDE BOMBERS INAALAM NG DND

blast1

(NI JESSE KABEL)

INIHAYAG  ni Armed Forces of the Philippine Public Information chief Col Noel Detoyato na patuloy pa rin nilang tinututukan ang pagkakadawit ng Abu Sayyaf  subgroup na Ajang -Ajang sa naganap na twin explosion sa Jolo Sulu na kumitil ng 21 katao noong Linggo.

Ayon kay Detoyato , ito ay dahil sila ang ay pattern of atrocities sa lugar. “ Yung angle ng suicide bomber as a method of delivery and execution, is also strongly considered.  Whether there were foreigners involved in the execution, that is still being verified.”

Samantala isang senior military source naman ang nagsabing may dalawang  sets of  body parts na halos lasog lasog at walang pang kumukuha ang pakay ngayon ng verification upang malaman kung babae o lalaaki at kung sila ay mga banyaga ba o local residents.

Bagama’t hindi tiyak ng informant  ang kanilang nationality ay tiyak naman sila na mga foreigner at hindi locals .  Tinuturo sila na siyang nagdala ng mga bags at detonators at siyang ang pasabog ng bomba Sila ang mga sinasabing suicide bombers , pahayag pa ng opisyal.

Una rito inihayag ni DND Secretary Delfin Lorenzana na may impormasyon sila na mag asawang Yemeni national ang sangkot sa Jolo bombings subalit hangang sa  ngayon wala pa ring ebidensiya na makapagpapatunay na suicide bomber ang may kagagawan sa nangyaring daalwang pagsabog sa Mount Carmel Cathedral.

Inamin naman ng kalihim na base sa mga ebidensiya na naisumite sa kaniya ang unang pagsabog sa loob ng simbahan ay iniwan ng isang babae.

Pero sa pangalawang pagsabog posibleng suicide bomber umano ang nagsagawa nito dahil na rin sa kalat na kalat na parte ng katawan ang nakita.

Sinabi ni Lorenzana na may natanggap silang impormasyon na Yemeni couple ang umano’y suicide bomber.

“Marami kasing body parts dun nakita e merong mga paa doon mga part ng ulo tapos meron pang nakasabit doon sa may pader sa may fence. It appears to be a suicide bombing and I was also convinced immediately na baka suicide bombing yun ano,” pahayag ni Lorenzana.

Sa post blast examination may nakita ang SOCO team na kalahati ang mukha na unidentified at hanggang sa ngayon wala pang nag claim.

Isasailalim ito sa DNA testing para mabatid kung babae o lalaki ito at kung ano ang nationality nito.

Sinasabing lubhang nakaka alarma kung totoong mga suicide bomber ang  nasa likod nito dahil wala pa namang mga Pinoy ang naging suicide bomber.

Aminado ang kalihim na siya ay nababahala sa mga naiulat na suicide bombing dahil sakali pangalawang insidente na ito.

Una ang pagsabog sa Lamitan, Basilan nuong July 2018 kung saan isang Moroccan ang tinukoy na suicide bomber na pinasabog ang sarili habang sakay ng isang passenger van.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad kung miyembro ng ISIS o hindi ang sinasabing Yemeni couple  na nakipag kita umano sa ASP Sawadjan group

Sa ngayon nasa 40 na mga foreign terrorists ang minomonitor ng militar na nakakalat sa ibat ibang lugar sa central Mindanao, Basilan, at sa Jolo.

135

Related posts

Leave a Comment