(NI MAC CABREROS)
INAASAHANG luluwag at magiging maganda na ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa darating na mga araw.
Ito ay matapos plantsahin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kasama ang mga airline companies, ang mga hakbanging itataguyod para mapaluwag ang NAIA tungo sa kapakanan ng publiko.
Nitong Miyerkoles ay pinirmahan nina DOTr Secretary Arthur Tugade, DoT Secretary Bernadette Romulo, CAAP Director General Jim Sydiongco, MIAA Executive Director Ed Monreal, CAB Executive Director Carmelo Arcilla, at mga kinatawan ng Philippine Air Lines, Cebu Air at AirAsia, ang kasunduang naglatag sa ‘papel’ na gagampanan ng gobyerno at pribadong sektor.
Kabilang sa kasunduan ang pagpapabuti sa serbisyo ng Sangley Point para mailipat ang ilang operasyon ng airline companies, lalo ang domestic flights, mula NAIA patungo sa nasabing airport.
Naunang ipinag-utos ni Tugade ang rehabilitasyon sa airport sa nabanggit na dating kampo ng mga sundalong Amerikano para sa tuluyang paglilipat ng flights tungo sa pagpapaluwag sa NAIA.
136