Pagpigil sa paggisa kay Sara karuwagan – solon SABWATAN SA KONGRESO

“THIS is a clear act of cowardice”.

Ganito inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang mistulang sabwatan na pagpigil ng liderato ng Kamara sa kanilang grupo sa Makabayan bloc na pagpaliwanagin si Vice President Sara Duterte hinggil sa P125 million confidential funds na ginastos nito sa natitirang 19 araw ng taong 2022 gayung walang ganitong pondo na inaprubahan ng Kongreso.

Noong Miyerkoles ay agad tinapos ang pagdinig sa budget ng Office of the Vice President (OVP) kasunod ng mosyon ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Zandro Marcos dahil umano sa matagal nang tradisyon na hindi na binubusisi ang budget ng executive department dahil sa tinatawag na parliamentary courtesy.

Dahil dito, hindi na nakapagtanong ang mga miyembro ng Makabayan bloc na kinabibilangan nina Brosas, ACT party-list Rep. France Castro at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel hinggil sa nasabing usapin.

“Congress should stop this practice and be transparent, especially when a huge amount of lump sum funds are in question,” giit ni Brosas.

Ganito rin ang pahayag ni Manuel dahil tungkulin ng Kongreso na protektahan ang pera ng taumbayan subalit hindi nangyari sa kaso ni Duterte dahil hindi pinayagan ang mga ito na magtanong gayung malinaw na illegal ang pondo na ginastos ng Pangalawang Pangulo.

Kuwestiyonable rin umano kung saan ginastos ni Duterte ang nasabing pondo dahil lumalabas na halos P7 million ang ginagastos nito araw-araw o mula nang ilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang nasabing pondo noong December 13 hanggang December 31, 2023.

“I do not want Congress to be complicit to illegal fund use by agencies in the executive branch, so allow me to put on record also my point of order sa proceedings.

Hindi po binilang ang boto ng mga nasa dissenting opinion, di pinag-explain ng objection. This isn’t democracy at work. I condemn the proceedings we had earlier. Traditions that no longer work should be stopped,” ani Manuel.

Inakusahan din ni Brosas si Duterte na nagtatago sa saya ng Kongreso dahil imbes na panindigan ang kanyang pahayag na sasagutin nito ang isyu sa budget hearing ng kanyang tanggapan ay humingi ito ng proteksyon sa mga kaalyadong mambabatas.

“Ang hinuha namin dito, nagtatago sa saya ng Kongreso itong vice president,” ani Brosas dahil hindi kayang ipaliwanag ni Duterte kung paano naubos sa loob lamang ng 19 araw ang P125 million.

Inimbento lang ng DepEd?

Naniniwala rin si Manuel na nag-iimbento lang ng dahilan ang Department of Education (DepEd) para bigyang katwiran ang P150 million CIF na sa panahon ni Duterte lamang nangyari sa kasaysayan ng edukasyon sa bansa.

“Parang ang dating po sakin, madam chair, nag-iimbento tayo ng dahilan to justify confidential funds,” ani Manuel matapos madismaya sa sagot ng DepEd sa pamamagitan ni USec Michael Wesly Poa na may dalawang kaso ng groaming case ang kanilang tinutugunan at ito ay nasa Cavite at Zamboanga.

Ang groaming sa mga inaabusong kabataang estudyante ang isa sa mga dahilan kung bakit humingi ng P150 million CIF si Duterte para sa DepEd bukod sa P500 million CIF na nasa ilalim ng OVP.

Sinabi ni Manuel na maraming kaso ng mga kabataang biktima ng pang-aabuso subalit nakakadismaya aniya na dalawang kaso lamang ang hawak ng DepEd gayung P150 million ang CIF ng mga ito.

(BERNARD TAGUINOD)

249

Related posts

Leave a Comment