(NI BERNARD TAGUINOD)
DISMAYADO ang isang militanteng mambabatas sa pagreresign ni Social Security System (SSS) president at chief executive officer Emmanuel Dooc matapos mag-expire umano ang kanyang termino dahil sa bagong charter ng nasabing ahensya.
Gayunpaman, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na hindi pa rin ligtas si Dooc dahil papanagutin umano ito sa hindi maayos na performance ng SSS sa ilalim ng kanyang pamumuno.
“He should not escape accountability by just resigning. He should face the music on the pathetic performance of the SSS, dahil ang daming anomalies sa SSS na pina-iimbestigahan namin involving the SSS,” ani Zarate.
Ayon mambabatas, kailangang ipaliwanag pa rin ni Dooc ang daan-daang bilyong piso na hindi nakolekta ng SSS na base sa report aniya ng Commission on Audit (COA) ay lumaki simula noong 2016.
Kabilang na P13.539 Billion sa 61,260 employers noong 2013, P8.168 Billion mula sa mga 97,366 employers noong 2014; P4.845 Billion mula sa 13,886 employers noong 2015; P8.04 Billion mula 38,088 employers noong 2016 at P13.77 Billion sa 122,658 employers noong 2017.
Maliban dito, bumaba umano sa P24 billion ang nakolekta sa mga delingkuwenteng employers at karagdagang P79 Billion na hindi nabawing loans kaya kailangan umano itong ipaliwanag pa rin ni Dooc.
Bukod dito, umaabot lamang umano sa 15 hanggang 16 Million sa 36 Million miyembro ng SSS ang nakolektahan ng premiums na kung nagawa lamang umano ni Dooc ang kanyang trabaho ay hindi na kailangang magtaas ng kontribusyon.
“These should all be explained and Mr. Dooc should answer our questions. Bakit napaka-inefficient ng SSS?,” ayon pa kay Zarate.
147