PAGSUSPINDE SA SMNI APRUB SA HOUSE PANEL

INAPRUBAHAN sa House committee on legislative franchises ang resolusyon na nag-aatas sa National Telecommunications (NTC) na suspendehin ang operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Sa pagdinig ng nasabing komite kahapon, walang tumutol sa House Resolution (HR) 1499 na inakda ni PBA party-list Rep. Margarita Nograles kaya inatasan ng komite ang NTC na suspendihin ang operasyon ng nasabing network.

Ayon kay Nograles, maraming probisyon sa prangkisa ng Swara Sug Media Corporation nang gamitin ito ng SMNI na walang pahintulot ang Kongreso na siyang nagbigay ng nasabing lisensya.

Celiz ‘kumanta’ na

Samantala, ikinanta na umano ni Celiz kay Parañaque Rep. Gus Tambunting, chairman ng nasabing komite kung sino ang kanyang source sa P1.8 billion travel expenses ni House Speaker Martin Romualdez.

Gayunpaman, tumanggi si Tambunting na pangalanan ang taong nagbigay umano ng impormasyon subalit ito ay taga-Senado umano kaya nakikipag-ugnayan na ang komite kay Senate President Juan Miguel Zubiri para dito.

“Hindi siya tauhan ng Senador at lalaki siya,” ang tanging impormasyon na ibinigay ni Tambunting.

Magugunita na na-contempt si Celiz noong December 6, 2023 matapos tumangging pangalanan ang kanyang source at sa pambabastos nito sa komite.

Kinabukasan, December 7 ay na-contempt din ang co-host ni Celiz sa kanyang programang Laban Kasama ang Bayan sa SMNI na si Lorraine Badoy dahil sa pagsisinungaling.

(BERNARD TAGUINOD)

105

Related posts

Leave a Comment