PAGTABOY NG CHINESE VESSELS SA PINOY FISHERMEN AALAMIN NI ZHAO

ZHAO12

SINABI ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na patuloy nilang bineberipika ang insidente ng harassment ng Chinese nationals laban sa mga Pinoy na mangingisda malapit sa Pagasa Island sa South China Sea.

Inaalam din ni Zhao kung lehitimo ang report o hindi.

Nauna nang sinabi ni Kalayaan, Palawan Mayor Roberto del Mundo na itinaboy ng Chinese vessels ang umano’y mga mangingisda sa kalapit na sandbar malapit sa Pagasa island na pag-aari ng Pilipinas.

Gayunman, sinabi ni ng Department of National Defense na walang pormal na iniakyat na reklamo sa kanilang tanggapan at patuloy ding bineberipika ang ulat.

Idinagdag pa ni Zhao na nakikipag-koordinasyon na sila sa Departmeng of Foreign Affairs at sakaling totoo ang insidente ay aayusin umano nila ang hindi pagkakaunaawaan.

 

282

Related posts

Leave a Comment