PAGTATAG NG DEP’T OF WATER, MINI DAMS, HINILING NI ROMUALDEZ

martin33

(NI ABBY MENDOZA)

HININGI  ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang suporta ng kanyang mga kapwa mambabatas para maisulong ang pagbuo ng central authority o Department of Water na tututok sa pagkakaroon ng sustainable water supply na manggaling sa tubig-ulan na kukunin sa mga local catchment o mini-dams.

Ayon kay Romualdez, sinusuportahan niya ang panukala ni Bulacan Rep. Gavini Pancho na magtayo na ng mga mini dams para matiyak ang tuluy-tuloy na supply ng tubig kahit pa man magkaroon ng El Nino.

“It is ironic that Metro Manila is submerged in flood waters even at the slightest downpour, yet households do not have a steady supply of water from their faucets.The mean annual rainfall of the Philippines varies from 965 to 4,064 millimeters annually. It is time that we study the possibility of rainwater harvesting as a source of drinking water for our cities and municipalities,” paliwanag ni Romualdez.

Ang pagtatag ng Department of Water ay isa sa prayoridad ni Pangulong Duterte kaya ito naman ang isa sa isusulong sa Kamara.

Hindi naman umano magiging magastos ang pagtatayo ng mini dams.

“Hindi gaanong magastos dahil mayroon nang mga existing na infrastructure. Kailangan na lang ang walling at puwede namang gawin

iyon in stages. Ang importante, hindi masayang ang mga tubig-ulan at maipon natin sa halip na pumunta lamang sa kalye at magdulot ng baha,” dagdag pa ni Pancho.

Inihalimbawa pa ni Romualdez ang sistema sa Singapore kung saan ang mga tubig ulan ay kinokolekta sa pamamagitan ng mga koneksyon sa drains, canals at ilog na dumaraan naman sa reservoirs bago ito i-treat na maging drinking water.

“This makes Singapore as one of the few countries in the world to harvest urban stormwater on a large scale for potable consumption,”paliwanag ni Romualdez.

Aniya, sa kaso ng Pilipinas ay maaari naman na sa mga kasalukuyang infrastracture na idikit ang mga mini dams at mga catchment facilities.

Noon pa umano isinusulong ng mga economic manager ang pagtatayo ng mga catchment facilities bago pa man ang problema sa tubig na nararanasan ngayon, habang hindi pa umano ganun katindi ang problema ay dapat na itong tutukan at ang unang hakbang ay sa Kamara.

 

131

Related posts

Leave a Comment