PALASYO ‘DI NAGULAT SA PCIJ REPORT SA SALN NI DU30

up12

(NI BETH JULIAN)

HINDI na ikinagulat pa ng Malacanang ang ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) kung saan binigyan-diin ang pagtaas ng net worth ni Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito.

Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na tuwing election at campaign season nagiging paboritong paksa na ang yaman at ari-arian ng Pangulo at kanyang mga kaanak.

Sa ulat ng PCIJ, ipinakikita ang nilalaman ng statement of asset, liabilities and net worth ng Pangulo simula 2007 hanggang 2017 kasama na rito ang SALN ni Presidential daughter Davao City Mayor Sarah Suterte at kanyang kapatid.

Ayon kay Panelo, bagaman nakapagdududa ang citing ng pagpapalabas ng ulat na ito, public document naman ito na maaaring busisiin ng taumbayan.

Sinabi ni Panelo na ipinauubaya na ng Palasyo sa mga Pilipino kung ano ang paniniwalaan nila pagdating sa naturang usapin.

84

Related posts

Leave a Comment