MAGKAPATID NA MAYOR, VM HULI SA BARIL, PAMPASABOG

camotes 123

(NI JESSE KABEL)

IPINAGHARAP na ng reklamo ang magkapatid na alkalde at bise alkalde ng bayan ng San Francisco, sa Camotes Island, Cebu matapos makuhaan ng mga hindi lisensyadong baril, mga bala at maging pampasabog.

Armado ng isang search warrant, sinalakay ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch (PIB) ang bahay ni Mayor Aly Arquillano at Vice Mayor Alfredo Arquillano.

Nahulihan sila ng hand grenade, caliber .22 rifle, isang magazine ng caliber ng .45 pistol na may limang live ammunition, AR-15 rifle,at  isang live ammunition ng 9mm caliber pistol.

Walang lisensya ang naturang mga armas.

Ayon kay Police Captain Alejandro Batobalonos, pinuno ng Provincial Intelligence Branch (PIB), nakatanggap sila ng ulat na may private goons ang magkapatid.

Sasampahan ang dalawa ng illegal possession of firearms and explosives.

Subalit posibleng walang magiging epekto sa kandidatura ng dalawa sa May 13 elections ang kanilang mga kasong haharapin.

Ayon kay election lawyer Jerome Brillantes, walang epekto sa kandidatura ng dalawa ang kaso ngunit dahil non-bailable ito, hindi sila makakapangampanya.

Sa Mayo, si Mayor Aly ay tatakbo bilang vice mayor, habang si Vice Mayor Alfredo ay tatakbo bilang mayor.

 

168

Related posts

Leave a Comment