(NI BETH JULIAN)
SINANG-AYUNAN ng Malacanang ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakaiirita na ang ginagawang paulit ulit na pagdaan sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi ng Chinese Navy nang walang paalam sa pamahalaan ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, aminado ang Malacanang na nakapipikon ang paulit-ulit na ginagawa ng China dahil hindi naman ganoon ang gawain ng dalawang magkaibigan sa inaasal ngayon ng China.
Katwiran ni Panelo, ang patuloy na ginagawa ng China ay malinaw na paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na maaaring maghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.
“I agree with Secretary Lorenza, it’s becoming an irritant if you keep on repeating certain act that maybe viewed be in violation of UNCLOS and not an act of friendship between two countries,” pahayag ni Panelo.
279