PALASYO NAKAANTABAY SA ‘OUST DUTERTE MATRIX’

duterte500

(NI CHRISTIAN DALE)

INAANTABAYANAN ngayon ng Malakanyang kung ano ang susunod na mangyayari matapos na maisapubliko ang oust Duterte matrix.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, bukas ang pamahalaan na maimbestigahan ang matrix upang malaman ang tunay partisipasyon dito ng mga sangkot na indibidwal.

Aniya, nakaanbatay lamang ang Malakanyang sa kung ano ang magiging aksiyon ng Justice Department hinggil sa naturang isyu.

Nauna nang sinabi ng grupo ng mga abugadong kasama sa matrix na kanila itong kukwestyunin sa Korte Suprema.

Samantala, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na nakahanda ang Palasyo na harapin ang anumang reklamong isasampa ng mga personalidad na dawit sa ouster plot matrix na inilabas ni Pangulong Duterte.

139

Related posts

Leave a Comment