KAHIT HOLY WEEK; SIMBAHAN BINANATAN NI DU30  

duterte-30

(NI BETH JULIAN)

HINDI pa rin nakalusot  sa mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari at obispo kahit Semana Santa.

Ito ay matapos muling batikusin ni Pangulong Duterte ang mga pari at Simbahang Katolika sa kanyang talumpati sa dinaluhang campaign rally ng PDP-Laban sa Tuguegarao City, Cagayan, Martes ng gabi.

Diretsahan pa rin ang Pangulo nang banatan ang mga paring bumabatikos sa kanyang administrasyon partikular na sa laban nito kontra ilegal na droga.

Tinumbok ng Pangulo na  sa tuwing nagmimisa ang mga pari ay ipinamumukha sa mga Kristiyano na masama siyang tao.

“Ako ang masama, pero ang baho ng Simbahang Katolika hindi inilalabas,” wika ng Pangulo.

Nagbabala si Duterte sa mga pari na huwag gamitin ang institusyon laban sa kanya dahil mayroong separation of Church and State.

Bukas aniya ang Pangulo na pumunta sa impiyerno kung ganito rin ang asal ng mga pari.

139

Related posts

Leave a Comment