(NI BERNARD TAGUINOD)
UPANG hindi mahirapan ang masa sa pagbiyahe araw-araw papasok sa kanilang trabaho at sa pag-uwi, bibigyan ng prayoridad ng Kongreso ang mga pampublikong sasakyan sa mga lansangan.
Ito ang napag-alaman kay House Transportation Committee chairman Edgar Mary Sarmiento ng Samar hinggil sa blueprint ukol “centralized and synchronized bus dispatch system” lalo na sa Edsa.
“Ang sasakyan ng masa ang bibigyan natin ng prayoridad,” ani Sarmiento hinggil sa kanilang ‘shorterm solution” sa tumitinding problema sa trapiko kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ang nahihirapan.
Ayon sa mambabatas, hindi ang mga may sasakyan ang nahihirapan sa tumitinding problema sa trapiko sa bansa kundi ang mga commuters na sumasakay ng bus, jeep at Metro Rail Transit (MRT)3 kaya ang mga ito umano ang dapat aniyang tulungan.
“The buses will only load and unload passengers in a synchronized manner at the MRT stations so they are basically an extension of the MRT. Walang magiging traffic dyan because the entire inner lane from Taft Avenue to North Avenue and vice-versa will be enclosed and exclusive to the express bus lane,” anang mambabatas.
Puno man o hindi, kailangang tumakbo ang mga pampasaheong bus upang hindi maipon ang mga ito sa iisang lugar na siyang isa sa mga dahilan kung tumutukod ang trapik sa Edsa.
Sa pamamagitan aniya ito, mawawala ang “Kanya-Kanyang system” ng mga pampasaherong bus na karaniwang naguunaha ng paseho, nag-oover-speeding at kung ano-anong ginagaw ang mga ito na nagpapalala lalo sa problema.
Plano rin ng Kongreso na pag-isahin na lamang ang mahigit 200 prangkisa ng may 4,000 pampasaherong bus na bumabiyahe sa Edsa upang imbes na magkumpitensya ang mga ito ay magtulungan na lamang upang maisaayos ang problema sa trapiko.
Naniniwala si Sarmiento na kapag nakita ng publiko na mas mabilis ang mga papasaherong sasakyan ay hindi na gagamit ng kanilang sasakyan ang mga tao sa pagpasok at pag-uwi.
507