PAMUMUNO NI DUTERTE KAHIHIYAN SA BANSA – BISHOP SANTOS

BISHOP SANTOS - DUTERTE

(Ni BETH JULIAN)

MAY bagong batikos na naman ang isang Obispo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na labis na ikinalulungkot ngayon ng Palasyo.

Ito ay matapos sabihin ni Balanga, Bataan Bishop Roberto Santos, na ang pamumuno ni Pangulong Duterte isang kahihiyan sa bansa.

Tugon naman ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, mukhang hindi naimpormahan ang Obispo sa paniniwala ng mas nakararaming Filiipino.

Tinukoy ni Panelo ang resulta ng aprroval at trust ratings ng Pangulo na nagpapakita  na malaki ang tiwala at pasasalamat ng mga Filipino sa Pangulo at sa uri ng kanyang pamamalakad sa bansa.

Ayon kay Panelo, hindi man perpekto si Pangulong Duterte ay mas tinitingnan nito ang pang kabuuang kapakanan at ikabubuti ng bansa.

Iginiit ni Panelo na ang mas nakahihiya ay ang paggamit ng hindi magagandang pananalita ng isang miyembro ng simbahang katolika laban sa Punong Ehekutibo na sumusunod lamang at tumutupad sa mandatong iniatang sa kanya ng konstitusyon na protektahan ang kaligtasan ng mga Pilipino.

Sinabing nakalulungkot na si mismong Bishop Santos ay bigong sumunod sa turo ni Kristo na nagsabing ‘kung binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay’.

Umaasa na lamang si Panelo na sana ay ipagdasal na lamang ni Bishpp Santos si Pangulong Duterte para maayos nitong mapamunuan ang bansa katulad ng pagdarasal nila sa Obispo na maliwamagan ang kanyang pag-iisip.

 

5

Related posts

Leave a Comment