ANGELICA PANGANIBAN NAPIKON SA AIRPORT

angelica panganiban

SA social media naglabas ng himutok ni Angelica Panganiban.

Ikinuwento niya ang masamang experience niya sa isang airline at isang security guard sa airport. Post niya: “Hindi ako umabot sa flight!!! Kung makapang-iwan kayo ng pasahero… tawang-tawa pa kayo. Pero pag kayo ang hindi on time… kahit libreng tubig hindi niyo kami mabigyan. Kapag nagreklamo kami, kami pa ang masama at pag-usapan. Hanep.”

Dagdag pa niya: “Low cost airline daw sila. So, low cost din ang services. Kanina nga sa airport, tinanong namin ‘yung guard kung nasaan ang VIP lounge, pinalabas niya kami. So inulit namin ‘yung security check. Katabi lang pala niya ‘yung lounge. Nung tinanong ko siya anong trip niya, sabi lang ‘sorry po’,” ang pikon na pikon at sunud-sunod na post ng aktres.

88

Related posts

Leave a Comment