PANELO KAY DEMETRIOU: ‘DI AKO MAGBIBITIW

panelo44

(NI BETH JULIAN)

NANINDIGAN si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi niya papatulan ang hamon ni dating judge Harriett Demetriou na magbitiw sa puwesto matapos ang mga alegasyon na may kinalaman siya sa muntik nang paglaya ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

Sa text message ni Panelo, ikinalulungkot niya ang inilabas na opinyon ni Demetriou na base lamang sa mga espekulasyon.

“My office has nothing to do with the release of qualified inmates. That is the turf and the responsibility of the Department of Justice and the concerned offices under it. I do not intrude nor poke my finger into any matter that not within the mandate of my office,” wika ni Panelo.

Matatandaan na tahasang sinabi ni Demetriou na imposibleng walang alam si Panelo sa napipintong paglaya ni Sanchez lalo’t presidential legal counsel siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman sinabi ni Panelo, nang konsultahin siya ng Pangulo ay agad niyang sinabi na base sa nakasaad sa Republic Act 10592, hindi kwalipikado si Sanchez sa good conduct and time allowance dahil heinous crime o karumal dumal na krimen ang kinasasangkutan nito. Iginiit pa ng kalihim na nasa balwarte ng Department of Justice ang usapin kay Sanchez at iginiit na wala siyang kinalaman sa usapin ukol dito.

Matatandaan  na si Sanchez ang gumahasa at nag-utos na patayin si Eileen Sarmenta at Allan Gomez sa Calauan, Laguna noong 1993.

92

Related posts

Leave a Comment