PANGAMBA SA WATER LEVEL NG ANGAT DAM PINAWI

angatdam12

(NI BETH JULIAN)

HINDI dapat ikabahala ang report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na nagsabing posibleng umabot na sa critical level ang tubig sa Angat dam sa susunod na buwan bunsod na rin ng matinding init ng panahon.

Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, ito ang dahilan kung bakit may binubuong Executive Order ang Malacanang na magiging sagot sa nararasansang kakapusan ng water supply sa bansa.
Gayunpaman, sa ngayon ayon kay Panelo, wala pa siyang impormasyon kung kailan maaaring isapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang Executive Order.

Sa ngayon ay patuloy pang pinagtutulungang gawin ng binuong inter agency task force ang draft para sa ilalabas na EO.

Hihintayin din ng Pangulo ang isusumiteng report ng MWSS hinggil sa kakapusan ng suplay ng tubig kamakailan sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

Dito ibabase ng Pangulo kung may mga dapat sibakin sa puwesto o kung ipakalansela ang kontrata ng Manila Water.
Hanggang sa ngayon ay may mga lugar pa rin sa Metro Manila ang nakararanas ng kawalan ng supply ng tubig, kung meron man ay napakahina.

141

Related posts

Leave a Comment