PANGGIGIPIT NG CHINA KINONDENA NG G7 NATIONS

MATINDING mensahe ang ipinarating ng Group of Seven (G7) nations sa China hinggil sa kanilang lubhang pagkabahala at mariing pagtutol sa anomang unilateral attempt na baguhin ang status quo sa East at South China Seas sa pamamagitan ng puwersa.

Ayon ito kay National Security Adviser Eduardo Año, na ikinagalak ang inilabas na pahayag ng mga bansang kasapi ng tinaguriang G7 sa kanilang pulong sa Apulia, Italy.

“We appreciate the G7’s explicit condemnation of the increasing use of dangerous maneuvers and water cannons against Philippine vessels. This acknowledgment underscores the international community’s recognition of the threats faced by our nation and reaffirms the importance of upholding the rule of law in maritime disputes,” pahayag ni Año.

Nitong nakalipas na linggo ay sinita ang China ng Group of Seven (G7) na kinabibilangan ng Canada, France, United States, Germany, Italy, Japan, at United Kingdom, mga nangungunang industrialized democracies sa mundo.

Kinondena nila ang China sa dumarami nitong mapanganib na maneuver at paggamit ng water cannons laban sa mga barko ng Pilipinas sa South China Sea.

Para naman sa isa sa mga kritiko ng China sa Kamara na si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, nakuha na ng Pilipinas ang suporta ng International Community laban sa patuloy na panggigipit ng China sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang pahayag ng G7.

“The G7 declaration of support, together with similar pronouncements from allies of the Philippines in this part of the world, including Australia, New Zealand and Japan, is proof that we are winning the battle against China in the international community,” ani Rodriguez.

Bukod sa WPS, kinondena rin ng G7 ang China sa kanilang pag-angkin sa buong East China Sea kung saan matatagpuan ang Shikoku group of islets na nasa loob ng teritoryo ng Japan.

“China is a pariah before the world because no nation would want to be at the receiving end of another country’s aggressive activities. In our case, Beijing’s aggression is taking place inside our own 200-mile exclusive economic zone,” ani Rodriguez. (JESSE KABEL RUIZ/BERNARD TAGUINOD)

152

Related posts

Leave a Comment