PANGULO ‘DI GAGAMIT NG MARTIAL LAW PARA MANAKOT

duterte12

(NI CHRISTIAN  DALE)

HINDI nananakot si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sakali man at magdeklara siya ng Martial Law sa kabila na nahaharap ang bansa sa posibleng “disaster”.

Nabanggit ito ng Chief Executive habang pinag-uusapan ang mga usapin katulad ng communist insurgency, terrorism at umano’y “onerous water concession agreements” sa kanyang speech sa post-typhoon damage assessment sa Legazpi City.

“Two disasters. The one, umalis na [bagyong Tisoy]. We have a disaster coming up but that disaster is…We will not allow it. I am sure. My military will not allow it. My police will not allow it. ‘Yan ang masiguro ninyo,” ani Pangulong Duterte.

Binigyang diin ni Pangulong Duterte na hindi siya nagbibiro dahil bugok na Pangulo lamang aniya ang manggamit sa isyu ng Batas Militar.

“I’m not making any threats. ‘Yang Martial Law, Martial Law, wala ‘yan. Kalokohan ‘yan. Bugok lang na presidente maggamit niyan. It’s an overused, abused word, Martial Law and even its practice,” anito.

Nauna rito, kinondena ng Punong Ehekutibo ang mga rebelde sa mga pagpatay kabilang na ang mga inosenteng sibilyan.

“Yung mga farmers mag-neutral, ayaw magkampi sa inyo, pinapatay ninyo. Anong klase…? Kung galit kayo sa mga mayaman, ‘yung mga ganun,” aniya pa rin.

Sinabi ng Pangulo na binuhay niya ang peace talks upang maging maayos na ito.

Pinapakausap aniya niya si Labor Secretary Silvestre Bello III kay communist leader Jose Maria Sison.

136

Related posts

Leave a Comment