HINIHINTAY ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang panig ni Labor Department Silverio Bello III dahil sa pagkakasangkot umano nito sa extortion.
Sinabi ni PACC chair Dante Jimenez na makapagkakatiwalaan ang source na nagsabi sa kanilang ahensiya tungkol sa pangingikil umano ni Bello sa mga manpower agencies na nagpapadala ng Pinoy workers sa ibang bansa.
Batid naman umano ni Bello ang akusasyon laban sa kanya noon pang isang taon nang masangkot ang dati niyang undersecretary sa P6.8-million extortion case sa Azizzah Manpower Services.
Ang halaga umano ay para kay Undersecretary Dominador Say para mabaligtad ang kanselasyon ng Philippine Overseas Employment Administration sa recruitment license nito. Isa din recruiter ang nagsabing P100,000 cash gift ang napunta sa ahensiya. Nagbitiw na sa tungkulin si Say.
Tatlo pang Cabinet members ang nasa hot water dahil din sa kaso ng korupsiyon. Sina Director General Isidro Lapeña ng Technical Education and Skills Development Authority at chair Leonor Oralde-Quintayo ng National Commission on Indigenous Peoples.
221