(NI BETH JULIAN)
WALANG basehan at itinuturing na black propaganda lamang ng komunistang grupo ang paninising ginagawa ni dating congressman Neri Colmenares sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mga ulat na serye ng patayan sa Negros Oriental.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw na malisyoso ang banat ni Colmenares sa ginagawang pamumuna nito na layong siraan lamang ang administrasyong Duterte.
“Ang prinsipyo niya (Colmenares) ay double standard, wala namang naririnig ditong pagkondena laban sa mga ginagawa ng rebeldeng NPA. Halatang-halata kung nasaan ang katapatan niya kaya gayun na lang siya magbitiw ng paninisi sa pamahalaan,” wika ni Panelo.
Banat pa ni Panelo, pinipilit lamang ni Colmenares na ipakitang may relevance pa rin siya kahit ilang ulit nang itinakwil ng taumbayan kung saan patunay dito ang makailang ulit nang pagkatalo sa pagtakbo bilang senador.
154