Panukala sa Senado DEATH PENALTY SA PULIS, POLITIKONG SANGKOT SA DROGA

NAIS ni Senator Robin Padilla na isulong ang parusang kamatayan sa mga alagad ng batas at sa mga halal na opisyal na masasangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Batay sa Senate Bill 2217, aamyendahan ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 upang ilagay ang probisyon na mapatawan ng death penalty ang sinomang officer o member ng AFP at PNP o kahit ano pa mang uniformed o law enforcement agency.

Parusang kamatayan din ang ipapataw sa mga elective local o national official na mapatutunayang nakinabang sa drug trafficking o tumanggap ng pinansyal o materyal na kontribusyon o donasyon mula sa mga nahatulan ng drug trafficking bukod pa ito sa parusang otomatikong pagtanggal sa pwesto.

Kung buntis naman o mahigit 70 taong gulang na ay hindi na papatawan ng death sentence.

Iginiit ni Padilla na ang maluwag na batas laban sa ilegal na droga ay naaabuso ng law enforcers at ilang matataas na opisyal at hindi rin natatakot na masangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa bansa. (DANG SAMSON-GARCIA)

100

Related posts

Leave a Comment