Para ‘isuko’ ang American dream TAAS-SAHOD SA NURSE ‘DI LULUBAYAN NI DEFENSOR

KAHIT sa panahon ng pandemya, hindi binibitiwan ng Filipino nurses ang kanilang American dream o pangarap na makapagtrabaho sa Amerika kung saan napakataas ng suweldo kumpara sa Pilipinas.

Ito ang nabatid kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kaya muli itong nanawagan sa liderato ng Kamara na ipasa na ang kanyang panukala na itaas sa P60,901 ang buwanang sahod ng mga nurse sa Pilipinas.

Ginawa ni Defensor ang pahayag dahil umabot na sa 6,204 Pinoy nurse ang kumuha ng US licensure examination o National Council Licensure Examination (NCLEX) noong 2020.

“We’re sure the number would have been much higher – possibly over 13,000 – had there been no disruption of testing services and difficulties in movement associated with the pandemic,” ani Defensor.

Mas malaki ang bilang na ito kumpara sa Indian nurses na umaabot lamang sa 1,485 ang kumuha ng NCLEX noong nakaraang taon, 1,190 Puerto Ricans, 496 Nigerians, 429 Nepalese at 263 Kenyans.

Indikasyon aniya ito kung gaano kadeterminado ang mga Pinoy nurse na magtrabaho sa Amerika dahil bago makakuha ng NCLEX ang mga ito ay kailangan muna nilang sumailalim sa online authorization to test (ATT) ng Estados ng Amerika kung saan nila nais magtrabaho.

“In New York, for instance, besides the usual eligibility submissions via express courier, you have to spend an extra $196 (P9,400) to take the required online course works on infection control and child abuse reporting before you can get your ATT,” ani Defensor.

Sa ngayon ay umaabot na sa 150,000 Filipino nurses ang nagtatrabaho sa Amerika o katumbas ng 4% sa US nursing work forces at posibleng lulobo pa ito dahil sa patuloy na pagdami ng mga gustong magtrabaho sa nasabing bansa.

Upang hindi aniya dumating ang araw na magkukulang ng nurse sa Pilipinas, kailangang itaas ang sahod ng mga ito sa P60,901 mula sa kasalukuyang P32,000 kada buwan.

“We have to assure our nurses and their families a superior quality of life here at home, if we want more of them to stay,” ayon kay Defensor. (BERNARD TAGUINOD)

42

Related posts

Leave a Comment