BAGONG AMLA LAW PIRMADO NA NI DUTERTE

OPISYAL nang tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 11521 o batas na magpapalakas sa 20-year-old Anti-Money Laundering Act ng bansa.

Idinagdag ang security at confidentiality clause sa 11-page law, na ipinag-uutos sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at sa secretariat na protektahan at panatilihing confidential ang lahat ng impormasyon na kanilang matatanggap at ipoproseso kahit pa umalis na sila sa konseho.

Ang mga lalabag sa confidentiality clause ay makukulong ng tatlo hanggang walong taon at magmumulta ng mula P500,000 hanggang 1 milyong piso.

Pinapayagan din ng bagong batas ang Court of Appeals (CA) na magpalabas ng freeze order mula 20 araw hanggang anim na buwan.

Makukonsiderang lifted na ang freeze kung walang magsasampa ng kaso laban sa tao sa loob ng freeze period na itinakda ng korte.

“The freeze order is deemed lifted if no case is filed against the person within the freeze period set by the appeals court.

Only the Supreme Court (SC) was authorized to issue a temporary restraining order or writ of injunction against any freeze order,” ayon sa ulat.

Pinipigilan din ng bagong batas ang anomang korte na sawayin ang AMLC mula sa pagsasagawa ng civil forfeiture proceedings para ipreserba o protektahan ang kinukuwestiyong ari-arian.

Tanging ang SC o CA ang makagagawa nito.

Klinaro ng bagong batas na ang AMLC ay bawal na makiisa sa operasyon ng Bureau of Internal Revenue, at maaari lamang makipag-ugnayan sa bureau hinggil sa tax cases na may koneksyon sa money laundering.

Binigyan naman ang AMLC ng 90 araw para bumuo at makapagpalabas ng Implementing Rules and Regulations. (CHRISTIAN DALE)

57

Related posts

Leave a Comment