Para matunton ang nawawala umanong P10.4-B SAP funds DSWD DEAL SA FSPs PINALALANTAD

0

(BERNARD TAGUINOD)

KUNG walang anomalya sa Social Amelioration Program (SAP), nararapat lamang na isapubliko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang pinasok na kasunduan sa Starpay at iba pang financial service providers (FSP).

Ito ang hamon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa DSWD kasunod ng alegasyon ni Sen. Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 Billion sa SAP funds kaya umaabot sa 1.3 million pamilya ang hindi nakatanggap ng ayuda.

Bukod dito, kinuwestiyon din ni Pacquiao at pagkuha ng DSWD sa Starpay na P62,000 lang umano ang paid-up capital gayung bilyun-bilyong piso ang ayuda na dumaan sa mga ito para ipamahagi sa beneficiaries.

“The MOA between DSWD and fintech firms must be publicized not just because of alleged missing funds, but because of the charging of transaction fees for each ayuda beneficiary which was eventually reimbursed by the DSWD based on their response during the budget deliberations,” ani Brosas.

Bukod sa StarPay, kasama rin ang GCash, Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC), Robinsons Bank, PayMaya, Unionbank sa mga FSP na kinuha ng DSWD para sa distribusyon ng ayuda.

Duda ang mambabatas na posibleng doble ang service fees na natanggap ng FSPs dahil naningil umano ang mga ito ng P50 kada pamilya subalit may mga report na nagkaroon ng reimbursement ang DSWD nang kuwestiyunin ng publiko ang kinakaltas sa kanilang ayuda ng mga FSP.

“Kung ni-reimburse ng DSWD ang financial service providers sa kinaltas nilang transaction fees worth P50 pero hindi na-reimburse ang mga tumanggap ng ayuda, malaking iregularidad ito. Ano ba ang nakasaad sa MOA nila?” ayon pa sa mambabatas.

Sinabi ng mambabatas na mahalagang malaman ang kasunduang pinasok ng ahensya sa mga FSP dahil pera ng taumbayan ang pinag-uusapan na hindi dapat ipagwalang-bahala.

“Kailangan alamin kung ilang Pilipino ang gumamit ng fintech services para sa ayuda, ilan ang kinaltasan ng P50 transaction fees, at kung magkano ang contract payments ng DSWD sa FSPs. Kasi lumalabas, posibleng double payments ito sa Starpay at iba pa,” dagdag pa ng mambabatas.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment