PARTIAL CLOSURE SA OSPITAL NG MALABON DAHIL SA COVID-19

INANUNSYO ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta na muling isasara ang ilang operasyon sa Ospital ng Malabon (OSMAL).

Ito’y dahil sa isang pasyente mula sa Brgy. 12, Caloocan city na nagsilang ng sanggol ngunit hindi umamin habang ini-interview sa ospital na ang kanilang barangay ay naka-complete lockdown dahil sa mga kaso ng COVID-19 at may possible exposure siya sa virus.

Isinailalim sa Rapid Testing ang ginang at doon nalaman na positive ito sa COVID-19.

Ayon sa alkalde, ang City Legal ay nasa proseso ng pagsasampa ng kaso sa naturang pasyente para sa violation of Section 9 of R.A. 11332.

Pansamantalang isasara ang buong 2nd floor ng OSMAL at tigil-operasyon ang OB-Gyne Clinics, Pedia, delivery and surgical operations.

Magsasagawa na rin ng disinfection, contact tracing at testing para sa mga posibleng nakahalubilo ng pasyente sa loob ng ospital.

Patuloy namang tatanggap ng Adult cases (COVID and NON-COVID related) ang OSMAL at mananatiling bukas ang laboratory at radiology section.

Magbabalik ang full operation ng OSMAL sa Lunes, May 25.

Ang lungsod ay may 98 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 at sa bilang na ito, 36 ang nakarekober, 15 ang nasawi habang 47 naman ang active cases. FRANCIS SORIANO

83

Related posts

Leave a Comment