PASAHE SA JEEP GAWING P12

jeep19

(Ni JESSE KABEL)

KUMILOS na ang iba’t ibang transport groups para ihirit ang dose pesos na minimum na pasahe sa jeep.

Ito ay sa gitna ng inaasahang paglobo pa ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga sususnod na araw.

Limang jeepney transport groups ang naghain ng kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para sa iginigiit na fare increase sa mga passenger jeep.

Nagsama-sama ang grupong ACTO, ALTODAP, FEDJODAP, LTOP, at Pasang Masda, para ihain sa LTFRB ang P12 fare hike na hinihingi ng transport sectors para sa unang apat na kilometro at P2 dagdag sa kada susunod na kilometro sa Metro Manila.

Kaugnay nito ay hiniling din ng grupo na ibalik agad sa sampung piso ang minimum na pasahe habang dinidinig ang kanilang petisyon na itaas ito sa dose pesos.

Matatandaan na noong December 3, 2018, nagpalabas ng resolusyon ang LTFRB para sa provisional reduction ng pasahe matapos na bumaba ang presyo ng diesel.

Sa kasalukuyan anila, nasa P40 hanggang P45 ang kada litro ng diesel na posible pa raw sumipa dahil sa namumuong gulo sa Middle East bukod pa  ito sa  ipapataw na excise tax ng gobyerno.

Bukod dito, inihayag din ng mga tsuper at operators ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga piyesa gaya ng engine oil, clutch lining, hyrovac, steering pump, gulong at baterya.

Buwan din ng Enero taong 2018 ay isinulong ng Pasang Masda ang kanilang petisyon sa LTFRB para sa Php 12 minimum jeepney fare dahil sa pagpapatupad ng gobyerno ng mataas na excise tax sa oil products sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kay Obet Martin na tagapangulo ng grupo, makatutulong ito sa mga jeepney operator para hindi gaanong maramdaman ang TRAIN Law na magreresulta ng “domino effect” sa presyo ng bilihin kasama ang higher excise taxes sa  oil products.

Sa ilalim ng TRAIN Law ay aabot sa mahigit anim na piso ang ipapataw na excise tax sa diesel simula taong 2018 hanggang 2020.

 

192

Related posts

Leave a Comment