UUMPISAHAN na ng National Privacy Commission (NPC), katulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang imbestigasyon sa passport data mess upang mabatid kung nagamit ang mga datos sa illegal na aktibidad.
Sinabi ni NPC Commissioner Raymundo Liboro na wala pa silang nakikitang senyales na ang mga nawawalang datos ay nagamit sa illegaidad dahil kadalasan umano ay nailalabas agad ang ilan sa mga ito o naibebenta.
“Mabilis malaman kung nakapagbenta sila ng ilang impormasyon. So far, wala naman,” sabi ni Liboro.
Nakatakda din umanong makipagpulong sina Liboro sa mga opisyal ng private contractor na sinasabing tumangay ng mga data gayundin mula sa opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Idinagdag pa ni Liboro na ngayong linggo ay maglalabas sila ng report sa kinahinatnan ng imbestigasyon upang mapayapa ang kalooban ng publiko.
177