PASYA SA SSS CONTRIBUTIONS IPINASA KAY DIGONG

IPINASA sa pangulo ang kapangyarihan kung itataas o hindi ang halaga ng buwanang bayarin ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) na mahigpit na tinutulan ng mga opisyal ng ahensiya.

Sa pahayag, sinabi ni Senador Richard Gordon na binigyan ng kapangyarihan ang pangulo ng Pilipinas na ipagpaliban ang pagtataas ng kontribusyon o buwanang bayarin sa Social Security System (SSS) sa panahon ng kalamidad o pambansang kagipitan.

Ayon kay Gordon, nagkasundo ang miyembro ng Senate committee on government corporation and public enterprises, na bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na ipagpaliban ang contribution rate hikes.

Ngunit, mahigpit na tinutulan ito ni SSS president at chief executive officer Aurora Ignacio dahil matagal nang dapat itaas ang halaga ng kontribusyon upang maibigay ang benepisyo sa miyembro.

“At the outset, we’d like to state that the bills proposed will tend to imperil probably on a permanent or a temporary basis the sustained benefits of the members and the benefits that’s supposed to go to the members,” ayon kay Ignacio.

“Currently, the long-term solvency is already threatened with trillions of unfunded liability. In simple terms, there is insufficient funds to enable us to support payment for the next generation of pensioners,” dagdag niya.

Iginiit ni Ignacio na matagal nang dapat itaas ang monthly contribution dahil umabot na sa 25 beses nagtaas ng benepisyo, at walo lamang sa kontribusyon.

Ngunit, hindi ito pinakinggan ng komite at sa halip, inaprubahan ang panukala na bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na magdesisyon sa pagtaas o hindi.

Sa ilalim ng panukala sa Senado,papayagan lamang ang pagtaas ng monthly premium sa panahon ng pambansang kagipitan o kalamidad sa loob ng anim na buwan.

Humirit naman si Ignacio na kung puwede gawin itong tatlong buwan lamang.

“Kailangan rin naman bigyan natin ng puwang ang presidente dahil kung nakikita niya na yung natitirang nagbabayad [ng contribution], siya na rin ang magde-decide kung isu-suspend ‘yon,” ayon kay Gordon.

“We’re giving respect to the SSS so that they can lobby to the President and make their appeal thereat,” dagdag ng senador.

Ayon kay Gordon, nasa desisyon na ng Pangulo kung ilang buwan ang pagpapaliban.

“It’s a very flexible six months,” aniya. (ESTONG REYES)

46

Related posts

Leave a Comment